MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi kabilang ang isang baÂrangay tanod nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang anti-criminality campaign, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang isang hindi pa nakilalang suspect na inilarawang nasa edad na 25 hanggang 30, may taas na 5’4’’ at may tribal tattoo sa katawan; alyas “Rexâ€, 35, na nang-agaw ng baril sa escort na pulis habang patungo sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.
Batay sa record, si Rex ay suspect sa pamamaslang sa dating miyembro ng MPD-Station 5 na si PO1 Edcel Ayon, noong Enero 31, 2012, sa Block 1, Aplaya, Brgy. 649, na pinamumunuan ni Chairman Kris Hispano, sa Baseco, Port Area.
Namatay din habang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang barangay tanod na si Jody Roncales, na nabaril naman ng mga suspect.
“Nagsasagawa ng anti-criminality campaign sina Insp. Melchor Villar, kaÂsama ang ilang mga taÂuhan niya at mga barangay tanod nang salubungin ng putok ng mga suspect kaya nabaril yung barangay tanod. Ginantihan naman ng putok ’yung mga pulis kaya tinamaan ’yung dalawa sa mga suspect,†ani MPD-station 5, chief P/Supt. Ferdinand Quirante.
Nabatid sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo ng MPD-HoÂmicide Section na naganap ang insidente dakong alas- 5:00 ng hapon ng Biyernes subalit umabot pa umano ng apat na oras bago dumating ang Scene of the Crime Operatives (SOCO), sa Block 9 Extension Baseco, Port Area, Maynila.