Sekyu todas sa kapwa sekyu

MANILA, Philippines - Isang guwardya ang namatay nang barilin ito sa ulo ng kanyang  kabaro kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala ng .38 baril sa ulo ang biktimang si Jordan Sanchez, nasa hustong gulang at roving security guard ng Sangandaan Plaza sa A. Mabini St., Sangandaan ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspect na si Elmar Balmonte, security guard ng M. Lhuiller Money Transfer and Pawnshop sa nasabi ring lugar.

Base sa imbestigasyon ni SP03 Joel Montebon,  ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa labas ng pawnshop na binabantayan ng suspect sa naturang lugar.

Nabatid na nagkaroon ng pagta­talo ang biktima at suspect sa gitna ng mainitang argumento ay bigla na lamang binunot ng suspect  ang kanyang service firearm at pinutukan sa ulo ang biktima na naging dahilan ng agaran  nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect, habang pa­tuloy na iniimbestigahan ang in­sidente at inaalam pa ang  dahilan nang pamamaril ng suspect sa biktima.

Show comments