Bahay ng abogado, nilooban

MANILA, Philippines - Aabot sa P6 na mil­yong cash, mamahaling mga alahas at titulo ng lupa ang natangay sa isang abogado makaraan umanong pasukin ang kanyang bahay ng hinihinalang akyat­ bahay gang sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District, nakilala ang biktima­  na si Atty. Cons­tante Caluya Jr., 49, ng Intramuros Village, Brgy. Old Balara sa lungsod.

Nadiskubre ang panlo­loob alas-4 Linggo ng hapon matapos na bumalik ng bahay ang buong pamilya.

Sinasabing bago nito, alas-10 ng umaga ay umalis ang pamilya Caluya para dumalo sa Sunday worship, pero siniguro umano nilang nakasarado lahat ang pinto at bintana nito.

Pagkabalik ng pamilya sa naturang oras, nagulat na lang sila pagpasok ng bahay na magulo na ang loob at nawawala na ang naturang mga items.

Nagawang makapasok ng mga suspect sa pamama­gitan ng puwersahang pagbukas sa pintuan ng kusina.

 

Show comments