MANILA, Philippines - Hindi napigilan ng malakas na pagbuhos ng ulan ang apoy na lumamon sa isang warehouse na pagawaan ng muebles sa Quezon City na tumupok sa tiÂnaÂtayang aabot sa P10 milÂyong halaga ng ari-arian kahapon, ayon sa Bureau of Fire Protection.
Ayon kay SFO1 RoÂsendo Cabillan ng Quezon City Fire Station, ang nasunog na guÂsali ay ang Regio MerÂchandize na matatagpuan sa 54 Cristopher St., corner King Edward St., Kingspoint Subdivision, Brgy. Bagbag, Novaliches sa lungsod.
Ang nasabing pagawaan ay pag-aari ng isang SiÂmeon Regio.
Nagsimula ang apoy sa working area ng shop, partikular sa ground floor kung saan bigla na lamang umanong may magliyab sa loob nito, ganap na ala-1:09 ng hapon.
Samantala, dalawa kaÂtao ang iniulat na nasugatan matapos na madilaan ng apoy habang tumutulong sa pag-apula ng apoy. Sila ay kinilalang sina Carlos Mactay, at Eddie Paragas, kapwa nagtamo ng 1st degree burns.
Dahil pawang mga kahoy ang nakaimbak sa ground floor, bukod pa ang mga kemikal na ginagamit ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa lamunin ang buong establisyemento.
Umabot naman sa ika-apat na alarma bago tuluÂyang naapula ang apoy, ganap na alas-2:13 ng hapon.
Inaalam pa ng pamatay sunog ang ugat ng nasabing sunog.