Driver utas sa kapwa driver

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver nang tadtarin ito ng saksak ng dati nitong kaalitan kamakalawa sa Pasay City. Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Joel Asuncion, 36, ng Tondo Manila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Romeo  Yango Jr., alyas Jay-Ar, isa ring driver at naninirahan sa Tramo St., ng naturang lungsod.

Naganap ang insi­dente dakong alas-10:00 ng gabi sa Protacio St., panulukan ng Tramo St., Brgy. 100, Zone-40 ng nabanggit na lungsod habang ang biktima ay bumibili ng sigarilyo sa tindahan na doon ito nakita ng suspect na dati na niyang kaalitan. Nagkaroon muli ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang suspect at pinagsasak­sak ang biktima.

Mabilis namang tu­makas ang suspect ma­tapos ang isinagawang krimen.

 

Show comments