Indian timbog sa karnap

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsa­kan ng isang Indian national makaraang mahuli sa akto na tinatangkang tangayin ang isang motorsiklo sa parking lot ng isang condominium buil­ding, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Nahaharap ngayon sa ka­­song carnapping ang suspek na nakilalang si Hardhir Singh, 29, kasalukuyang nanunuluyan sa U.N. Avenue, Paco, Manila.

Sa ulat ng Pasay Police, dakong alas-4:30 ng hapon nang mapansin ni George Bayobo, head security, ang pagpasok ni Singh sa bina­bantayang Park Avenue Man­­sion. Ngunit sa halip na dumiretso sa elevator,  nagtungo ang dayuhan sa par­king area kaya nagduda siya at pinabantayan sa mga tauhan ang kilos nito.

Nasaksihan naman ng mga guwardiya ang pagkalikot ni Singh sa isa sa mga nakaparadang motorsiklo na ginamitan nito ng dalang “ignition switch” ngunit hindi umandar. Lumipat naman ito sa motorsiklo na pag-aari ni Jose Epie Tura, 27, security guard sa gusali, at ma­ta­gumpay na napaandar ito.

Subalit palabas na ng parking area ang suspek nang harangin na siya ng mga guwardiya at arestuhin nang walang maipakitang papeles sa sinasakyang motorsiklo.

 

Show comments