Motorsiklo vs truck: 1 patay, 1 sugatan

MANILA, Philippines - Isang rider ang nasawi habang kritikal naman ang angkas nito matapos makabanggaan ang isang  dump truck sa isang  intersection sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Dead-on-the-spot sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang  si Celso Ramos, 25,  ng Villanueva St., Pasay City. Ginagamot  naman sa President Diosdado Maca­pagal Memorial Medical Center ang angkas nito na si Christopher Toneres, 21 at kalugar ng nasawi. Nasa custody naman ng pulisya  si Manuel Liwanag, 51, ng San Miguel Bulacan at driver ng dump truck (RJF-678). Naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling-araw habang lulan ang mga biktima ng Kawasaki (9562-HX) at binabagtas ang Rizal Avenue Ext. at pagsapit sa kanto ng 7th Avenue ay nakabanggaan ng mga ito ang dump truck ng suspect. Tumi­lapon ang mga biktima at napuruhan ang nasawi habang sumuko naman sa pulisya si Liwanag.

 

Show comments