Bago at datihan pinili sa Southern MM

MANILA, Philippines - Magkahalong desisyon sa pagpili ng mga iboboto ang ipinakita ng mga botante sa Southern Metro Manila makaraang magkahalong datihan at mga bagong politiko ang iniluklok sa mga panguna­hing posisyon sa mga lungsod dito.

Nakatakdang iproklama na si incumbent Taguig City Mayor Laarni Cayetano ma­karaang lumamang ng malaki sa katunggaling si Rica Tinga.

Sa pinakahuling datos ng Comelec website, nakakalap si Cayetano ng 55,012 boto habang si Tinga ay merong 33,396 boto.

Sa Makati City, iprinok­lama na si Mayor Junjun Binay­ dahil sa landslide na boto habang sa Las Piñas City ay malaki ang lamang ni incumbent Mayor Nene Aguilar na may 110,282 boto kumpara sa nakuhang boto ni Conrado Miranda na mayroon lamang 2,983 boto.  Dikitan naman sa nalalabing bayan sa Metro Manila na Pateros kung saan lamang si incumbent Mayor Jaime Medina na may 9,102 boto laban kay Ike Ponce na may 8,992 boto.

Hinihintay na rin ang prok­lamasyon kay incumbent Pasay City Mayor Antonino­ Calixto na malaki ang agwat nang makakuha ng 99,907 boto kumpara sa pinakamalapit na katunggali na si Jorge del Rosario na meron lamang 24,146 boto sa pinakahuling datos ng Comelec.

Sa Muntinlupa City, dehado ngayon si incumbent Mayor Aldrin San Pedro na may 69,522 boto kumpara sa 73,537 na nakalap ni Jaime Fresnedi.  Babalik naman sa Kongreso si Rodolfo Biazon na nakakuha ng 100,742 boto kumpara sa 25,694 boto ni Emerson Espeleta.

Naghahabol rin sa Pa­rañaque City si Benjo Ber­nabe, anak ni incumbent Mayor Florencio Bernabe Jr. na nakakalap ng 67,352 boto habang mas malaki naman ang nakuha ng katunggaling si Edwin Olivarez na may 94,279 boto.

Show comments