MANILA, Philippines - Sa Quezon City, landslide winner sina reelectionist Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte base sa latest canvassing na ginawa ng Commission on Elections ganap na alas-5:45 ng umaga kahapon.
Naiproklama na rin ang mga nanalo kahapon ng hapon.
Si Bautista ay nakakuha ng 558,276 na boto na may mas malaking kalamangan sa kalabang si Johnny Chang na nakakuha ng 54,312 votes.
Si Vice Mayor Belmonte naman ay nakakuha ng 562,582 votes na milya-milya ang lamang sa kalabang si Rolando Jota na mayroon lamang 39,345 votes.
Sa mga kongresista naman sa District 1, si Boy Calalay – 62,710 votes at Rita Crisologo na may 57,642. Sa District 2 si Winston Castelo — 81,645, Ismael Mathay III — 46,521. Sa District 3 – si Jorge John Banal ay may botong 49,731 at si Mat Defensor na nakakuha ng 39,513 votes.
Si Speaker Feliciano Belmonte na tumakbong reÂelectionist sa District 4 ay nakakuha ng botong 96,682 na malayung-malayo sa nakuhang boto ng kalaban nitong si Hans Palacios na may 9,762 votes lamang.
Sa District 5 ay nakakuha naman ng botong 67,753 votes ang actor-councilor na si Alfred Vargas na siyang nangunguna sa mga tumakbong representante sa naturang distrito, Annie Rosa Susano, 26,267 votes at Dante Liban, 11,553 votes.
Wala namang kalaban sa pagka-kongresista ng District 6 si Kit Belmonte na nakakuha ng 77,982 votes.