MANILA, Philippines - Isang bangkay ng 74-anyos na dating guro sa pampublikong paaralan ang nadiskubreng wala ng buhay, habang nakahiga sa loob ng kaniyang inuuÂpahang silid, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Sinasabing ang masangsang na amoy ang naÂging dahilan upang puwersahang buksan ng caretaker ang silid ng biktimang si Osbaldo Mendoza, dating guro sa Osmeña High School, na nag-iisa sa kanyang inookupahang silid sa no. 1044 J. Solis St. Tondo, Maynila.
“Hindi na ho ako makatiis sa napakabahong amoy nanggagaling sa kanyang kuwarto kaya napilitan akong humingi ng tulong sa isa naming barangay kagawad para mabuksan ang pinto ng kanyang kuwartoÂ. Ayun nakita ko namamaga na ang kanyang katawan na nakahiga sa upuang rattan,†ani Noli Esmundo, caretaker ng gusali.
Sinabi ni SPO2 Benito Cabatbat, ng Manila Police District-Homicide Section, ayaw nang paÂimÂbestigahan ng mga kaanak ang pagkamatay ng guro dahil sa katandaan umano ito namatay at walang foul play.
Wala rin namang sugat o palatandaan na pinahirapan ang katawan ang matanda.