MANILA, Philippines - Kung hindi nagawang maisa-batas ng dalawang kasalukuyang Kinatawan sa Caloocan City ang reÂdistricting dahil sa kanilang malinaw na pansariling interes, si Vice Mayor at Liberal Party congressional candidate ang magsusulong nito sa Mababang Kapulungan.
Sa isang panayam, ani Erice kung siya ay maÂbibigyan muli ng pagkakataon ng kanyang mga kababayan na maging Kinatawan sa Kongreso madali niyang makukumbinsi ang mga kapwa n’ya mambabatas na tiyak karamihan ay kanyang kaalyado sa LP upang magkaroon ng limang congressional districts sa lungsod.
“Kung sila hindi nila kaya dahil masisira ang kanilang political dynasty, ako kaya kong isulong ito para sa interes ng mas nakararaming residente dahil ako ang una at huling Erice na pulitiko at maglilingkod sa Caloocan,†tahasang sinabi ni Erice.
Katunayan, ayon sa ilang taga-suporta niya, mismong mga residente ang kumukumbinsi sa kanÂyang mga kapatid na sundan ang kanyang yapak sa pulitika subalit mismong si Erice ang nag-discourage sa kanila.
Sa planong redistricting, tiyak ang taga-lungsod na umaabot na sa mahigit na dalawang milyon ang dami ng makikinabang dahil magkakaroon sila ng limang Kinatawan sa Kongreso. Ang ibig sabihin, kung may P140-million na nakalaan bilang pondo ng kasalukuyang mambabatas sa CaloÂocan kada taon magiging P350-million ito kapag naisabatas ito.
Una rin sa kanyang proÂÂgrama ang on-site at in-city relocation lalung-lalo na ang mga nakatira sa danger zones tulad ng may mahigit na pitong libong residente na nakatira ‘along da riles.’