Miting de Avance ng Munti Mayor dinumog

MANILA, Philippines - Tinatayang humigit kumulang sa limampung libong katao ang dumalo sa miting de Avance ng Team San Pedro na pinamunuan ni incumbent Mayor Aldrin San Pedro na idinaos kagabi sa parking space terminal sa Alabang.

Dahil hindi na nagkasya sa loob ng na­turang lugar ang mga supporters ng grupo ni San Pedro ay nagtiyaga na lamang ang marami sa mga ito na  manood at makinig sa mga gilid-gilid na abot ng tunog ng sound system na ginamit sa naturang pagtitipon.

“Ito ay nagpapatunay lamang na nasa atin pa rin ang suporta ng mayor­ya sa mga Muntilupeno sa kabila ng lahat na yata ng klase ng paninira na ipinupukol sa akin ng ating­ kalaban, basta ako sa nakalipas na unang anim na taon kong paglilingkod ay itinama ko ang mga maling palakad dito sa ating lunsod,” ang banggit pa ni San Pedro.

Ang naturang miting de avance ay mag-isa umanong inorganisa ng grupo ni San Pedro at hindi na sila nag-imbita ng mga kandidato sa pagkasenador at mga kilalang artista upang patunayan na ang mga tao ay kusang nagtungo doon para makinig ng kanilang plataporma at hindi manood ng kung anu-anong palabas na dala ng mga ito.

Show comments