Operation baklas vs Vice mayoralty bet

MANILA, Philippines -  Malaking problema ang kinakaharap ni Vice mayoralty candidate Iyo Caruncho Bernardo sa pasimula pa lamang ng kanyang kampanya sa iba’t ibang barangay sa Pasig City kaugnay sa ‘Operation Baklas’ ng kalabang kandidato.

Ito ay dahil sa ginagawang pagbabaklas ng kanyang campaign paraphernalia o poster na nakakabit sa common poster area sa maraming mga barangay sa lungsod.

Maging sa mga Barangay Dela Paz, Manggahan, Maybunga, Pinagbuhatan, Rosario, San Miguel, Santolan at Barangay Sta. Lucia ay binabaklas ang kanyang campaign posters.

Nabatid na ginagamit ang grupo ng menor-de-edad na lulan ng traysikel at motorsiklo kung saan sila ang nag-aalis ng mga poster at tarpaulin ni Bernardo.

Ipinagbibili naman sa malaking halaga ang mga naipong tarpaulin nito.

Dismayado naman ang karamihan sa mga nag-donate ng tarpaulin at poster ni Bernado dahil hindi makita sa mga common posting area sa Pasig City.

Show comments