Onsehan sa shabu, pedicab driver inutas

MANILA, Philippines - Patay ang isang 42-anyos na pedicab driver nang pagbabarilin matapos umanong hindi i-remit ang P600 halaga ng shabu sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Tondo General Hospital ang biktimang si Ricado Dayrit Jr., ng M. Ocampo St., Bo. Obrero, Tondo, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Hinahanting naman ng mga awtoridad ang suspect na may mga alyas Hadjie  at  Toteng na tumakas matapos ang pamamaril.

Dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap  ang insidente sa may riles ng  PNR  sa panulukan ng  Pilar at Hermosa Sts., Tondo.

Sa impormasyon ng pulisya, na­ngako umano ang biktima na babayaran ang P600 halaga ng shabu na kanyang kinuha sa mga suspect  subalit nang si­ngilin na ay wala umano itong maibayad kaya bala na lamang ang iginanti ng mga suspect.

Show comments