MANILA, Philippines - Handa na ang buong Philippine National Police (PNP) sa seguridad para sa selebrasyon ng Araw ng Manggagawa, kung saan magtatalaga ng karagdagang 200 personnel sa bawat Police Regional Offices na magbabantay sa gaÂgawing kilos-protesta ng iba’t ibang grupo.
Ayon kay Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ang paglalaan ng kanilang tauhan sa bawat ReÂhiyon ay base sa contigency plan para sa Labor Day na inisyu ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) hinggil sa naturang selebrasyon.
Dito ay naatasan ang lahat ng kapulisan na magsagawa ng security operations, civil disturbance management, at traffic maÂnagement opeÂrations mula April 30, 2013 hanggang May 2, 2013.
Dahil dito, inatasan ng National HeadÂquarters ng PNP ang PRO 1, 2, 3, 4A, 5 at Cordillera na maglaan ng tig-200 personnel para sa kabuuang 1,200 bilang karagdagang pulis sa NCRPO.
Dagdag ni Cerbo, wala pa ang kabuuang bilang ng pulis na ipaÂpakalat kabilang sa NCRPO.
Samantala, pinakiÂusapan ng NCRPO ang mga militanteng grupo na inaasahang magsaÂsagawa ng kabi-kabilang kilos-protesta sa mga lansangan sa May 1 na pairalin ang pagiging mahinahon laban sa mga anti-riot police na tiniyak na hindi magdadala ng baril.
Sinabi ni NCRPO spokesperson P/Chief Insp. Kimberly Molitas na mahigpit ang kautusan ni Police Director LeoÂnardo Espina sa mga tauhan ng Civil Disturbance Management Unit at mga undercover police na huwag magdadala ng baril sa mga deÂmonstrasyon.
Tanging baston at panalag na truncheon lamang ang dala ng mga anti-riot police, ayon kay Molitas.
Ang mga pulis na naka-regular na duty at naka-uniporme ang maaÂaring magdala ng baril ngunit hindi maaaring makihalo sa pagharang sa mga kilos-protesta.
Sinabi nito na kanilang ipakakalat ang mga tauhan sa mga pangunahing instalasÂyon at establisimiyento sa Metro Manila upang matiyak ang seguridad.
Bukod sa mga pulis buhat sa NCRPO at mga distrito, maÂaaring magpadala rin ang Armed Forces of the Philippines at mga PNP Regional Offices kung may pangangaÂilangan ng dagdag na tauhan.