MANILA, Philippines - Nasa 14 pang pulis ang sinibak sa tungkulin ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director LeoÂnardo Espina dahil sa mga kasong kriminal at administratibong kinakaÂharap ng mga ito.
May 44 pulis rin ang kanyang pinatawan ng parusa dahil sa iba’t- ibang pagkakasala. Kasabay nito, nasa 21 pulis na malinis ang rekord ang binigyan ni Espina ng “Medalya ng MabuÂting Asal†at nasa 838 medalya rin ang iginawad sa mga masisipag na tauhan ng pulisya.
Sa kabuuan, nasa 109 pulis Metro Manila na ang napapasibak ni Espina, 208 ang pinatawan ng iba’t-ibang parusa habang nasa 7,261 namang pulis ang binigyan ng medalya dahil sa pagseserbisyo ng tapat at masipag mula nang umpiÂsahan ang kampanya sa pagwalis sa mga bugok na pulis at pagkilala sa mga mabubuti noong SetÂyembre 7, 2012.
Ipinaliwanag ni Espina na ang MeÂdalya ng Mabuting Asal (Good Conduct Medal) ay ibinibigay sa mga pulis na walang masamang rekord, walang kasong administratibo o kriÂminal na isinampa sa kanila sa loob ng limang taong serbisyo sa PNP.
Binigyan naman ng Medalya ng Kasanayan o Posthumous Awards sina P/Chief Insp. Ferdinand Rosario at Po1 Edgar Valdez Jr., na kapwa namatay sa serbisyo.
Nakaduty umano sa moniÂÂtoring ng mga bus marshall nitong Semana Santa si Rosario nang maaksidente sa South Luzon Expressway habang inatake ng stroke si Valdez habang hinahabol ang isang holdaper sa Sta. Mesa, Maynila.