MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 6-anÂyos na batang lalaki makaraang bugbugin ng grupo ng lalaki na dumukot sa kanya at sa kapatid nitong babae sa Makati City nitong Martes ng gabi.
Nadiskubre ang bangkay ng nasawing paslit na si DaÂniel Lebosura, sa gilid ng riles ng tren sa Magallanes malapit sa Don Bosco sa MaÂkati City kahapon ng umaga.
Ang 9-taong gulang nitong kapatid na babae ay naÂÂtagÂpuan naman ng mga concerned citizen na umiiyak sa may Osmeña Highway maÂlapit sa hangganan ng MaÂkati at Pasay City. Sinamahan naÂÂman ng mga ito ang bata sa bahay ng kanyang ina na siyang humingi ng saklolo sa Pasay Police.
Agad namang nagsa gawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng Pasay City Police nang maÂgawang maÂituro ng nakaligtas na batang babae ang ilan sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa walong mga suspek.
Tumanggi naman si Pasay Police chief, Sr. Supt. Rodolfo Llorca na panga lanan ang mga nadakip dahil sa isasagawa pang follow-up opeÂrations.
Ayon sa ina ng mga biktima na si Helen Lebosura, 36, ng Gamban St., Pasay, dinukot ang kanyang mga anak dakong alas-10 ng gabi nang magtungo siya sa Evangelista St., sa Makati upang humaÂngo ng panindang balut. Bigla umanong nawala ang mga bata nang kanyang makaligtaan ang mga ito.
Ayon sa batang babae, diÂnala sila sa isang lugar maÂlapit sa riles ng tren sa may South Superhighway. Kung anu-ano umano ang piÂÂnapagawa sa kanila ng mga lalaki kabilang ang pagpapakain ng panis na pagkain. Kapag hindi sila sumusunod, ginugulpi umano sila sanhi ng pagkasawi ng kanyang kapatid na pinatay sa sakal.
Minolestiya pa umano siya ng ilan sa mga suspek na pilit na ipinasusubo sa kanya ang mga ari habang isa sa mga ito ang nagpasok ng daliri sa kanyang ari. Pinakawalan laÂmang siya ng mga suspek nang maÂwalan ng malay ang bunsong kapatid dahil sa panggulpi.
Samantala, inamin ng naÂdakip na suspect na si Anthony David, 24-anyos, ang pagdukot sa mga bata at panggahasa sa batang babae at pagpatay sa batang lalaki dahil sa maingay daw ito saka itinapon ang bangkay sa gilid ng tinuÂtuluyang bodega.
Nadakip si David ng PaÂsay police dakong ala-1:30 ng hapon sa seawall ng Maynila sa Roxas Blvd.
Patuloy ngayon ang imÂbesÂtigasyon ng pulisya sa insidente habang biniberepika ang kaugnayan ng mga nadakip na suspek sa krimen.