3 parak, 1 pa huli sa 1 kilo ng shabu

MANILA, Philippines - Tatlong pulis at misis ng isa sa mga ito ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng mga awtoridad kasunod ng pagkakasamsam ng 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5-M sa drug bust operation sa Pasay City, ayon sa opisyal kahapon. 

Kinilala ni PNP-AIDSOTF  Director P/Sr. Supt. Napoleon Taas ang mga nasakoteng suspect na sina PO1 Jonathan Barredo; misis nitong si Maria Yehlen Felipe; PO1 Josephone Penaloso at PO2 Marc Lawrence Felipe.

 Ayon sa opisyal, bandang alas-5:30 ng hapon kama­kalawa ng masakote ng pinagsanib na elemento ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC), PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) at Naval Intelligence Security Force sa parking area ng Resorts World sa New Port City, New Port Complex sa Villamor Air Base, Pasay City ang mga suspect.

 Nasamsam mula sa mga suspect ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng limang milyong piso, isang 9 MM semi automatic pistol at ang kulay puting Nissan Urvan (PQP 455 ) na gamit ng mga ito sa illegal na operasyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspect na dinala na sa detention cell ng PNP-AIDSOTF sa Camp Crame.

 

Show comments