MANILA, Philippines - Kritikal ang kalagayan ng isang tubero makaraang barilin ng isang hindi pa nakikilalang salarin haÂbang ang una ay nasa ibaÂbaw ng isang tulay sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Sa ulo binaril ang biktimang si Richard Paragas, 39, residente ng Protacio Ext. ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang pa mamaril dakong alas-8:23 ng gabi sa ibabaw ng tulay sa Protacio Street. Nabatid na kauuwi lang ng biktima galing sa trabaho at nagpapahangin sa may tulay nang lapitan ng salarin.
Agad na pinaputukan ng suspect habang nakaÂtalikod ang biktima at saka tumakas sa hindi mabatid na direksyon.
Ayon sa asawa nitong si Chona Gozon, 39, wala siyang alam na kagalit ng kanyang asawa na umano’y isang tahimik na tao.
Masusing iniimbestigaÂhan ang naturang kaso para alamin kung ano ang tunay na motibo ng pamamaril sa biktima habang inaalam ang pagkakakiÂlanlan ng suspek.
Umaasa rin na makakarekober ang biktima upang maipagtapat kung sino ang bumaril sa kanya.