MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang bagong modus operandi ng carnapping gang na ang target ay mga car rental companies sa bansa.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP-HPG Director P/Chief Supt. Arrazad Subong, ang pagkakabuking ng naturang modus operandi matapos na masakote ang King 7 Queen ng Rent Tangay gang na pinamumunuan ng isang nasibak na Police Chief Inspector.
Samantalang sa serye ng follow-up operations ay nasa 11 behikulo ang nabawi mula sa mga suspek.
Kinilala ni Subong ang mga suspect na sina Michael Saturnino, alyas Mike, 37, sinibak na police chief insÂpector at live-in partner nitong si Mary Grace BaliÂngit na gumagamit ng mga alyas na Marivic OrolloÂ, Amalia Estrada, Pia BaÂlingit at Emma Rose Camia.
Ang mga ito ay nasakote noong Abril 10 sa bisinidad ng Airport Casino na mataÂtagpuan sa Brgy. San Isidro, Parañaque City matapos na tangkang ibenta sa poseur- buyer ng mga awtoridad ang isang nakaw na Toyota Innova.
Ayon kay Subong si SaÂturnino ay nagtapos sa PNPA pero nasangkot sa nasabing illegal na operasyon matapos itong masibak sa serbisyo noong 2010.
Nabatid sa opisyal na ang modus operandi ng grupo ay magrenta ng sasakyan sa ‘rent-a-car business’ tulad sa Cebu, dadalhin ito sa Bacolod o kaya ay sa Metro Manila saka ibebenta o di kaya naman ay isasangla sa casino.
Nabatid na nagbabayad ng P5,000 sa rent-a-car business ang naturang carnapping gang at ibebenta ang behikulo sa halagang P150,000.
Nahaharap ngayon sa kasong large scale estafa, falsification of public documents at paglabag sa anti-carnapping at anti-fencing laws sa Parañaque City Prosecutors Office ang mga suspek pero nagawa ng mga itong makapagpiyansa.
Kaugnay nito, nagbabala naman ang opisyal sa mga car rental firms na hingan ng clearance tulad ng NBI clearance at iba pang mga mahahalagang dokumento ang mga kliyente na nagrerenta sa kanilang mga sasakyan upang hindi mabiktima ng sindikato.