MPD natakasan ng murder suspect

MANILA, Philippines - Nakatakas ang isang lalaking murder suspect habang iniimbestigahan sa loob ng MPD-Homicide Section, kamakalawa ng gabi. Ito ngayon ang nais paimbestigahan ng isang Cathlene Joy Canlas, kapatid ng napatay na si Calvin Joseph Canlas  na binaril noong Disyembre 12, 2011 ng nakatakas na suspect na si Darwin Caballes Manansala, ilang oras matapos umanong i-turn over ng mga tauhan ng Pasay City Police kamakalawa ng gabi sa Homicide Section. Ipinagtaka nila kung bakit wala sa MPD-Homicide detention cell ang suspect nang bisitahin kaya inalam kay PO3 Rodel Benitez kung nasaan ito sa pangambang manganib ang kanilang seguridad at kung paano ito nakatakas. Una rito, namataan umano ang suspect sa Mall of Asia kaya ipinadakip ito.

Show comments