Wagi sa cara y cruz, itinumba ng talunan

MANILA, Philippines - Sandaling kasiyahan lamang ang naranasan ng isang lalaki na matapos magwagi sa cara y cruz ay pinatay naman sa saksak ng natalong kalaban sa sugal sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical  Center ang biktima nakilala sa alyas na “Mario”, tinatayang nasa 45-50 ang edad, may taas na 5’5’’-5’7’’, katamtaman ang panga­ngatawan.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang suspect na kinilalang si Joe Grie Dayao, 45, may-asawa, fish ball vendor at ng Molave St., Tondo, Maynila na tumakas dala ang patalim na ginamit sa krimen

Sa ulat  ni SPO1  Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng gabi nang makalaban ng biktima ang suspect sa cara y cruz sa isang eskinita at nang matalo ang huli ay sinundan umano ang una at pagsapit sa nasabing lugar ay sinaksak sa dibdib ang biktima at agad tumakas.

Show comments