MANILA, Philippines - Ginawaran kahapon ng posthumous award ni NCRPO Chief P/Director Leonardo Espina ng ‘posthumous award’ ang pulis na namatay sa atake sa puso sanhi ng sobrang pagod sa paghabol sa naarestong snatcher sa lungsod ng Maynila.
Ang parangal ay perÂsonal na iginawad ni Espina sa pamilya ng naÂsawing si PO1 Edgar Valdez Jr. sa burol nito sa kanyang tahanan sa Sitio Uno St. Sangandan, Caloocan City.
“Buong pusong ipinagmamalaki at pinaraÂrangalan ng NCRPO ang kadakilaang ipinamalas ni PO1 Edgar Valdez Jr. hanggang sa huÂling sandali ng kanyang buhay, ipinagmalasakit ang kapakanan ng ating mamamayan,†pahayag ni Espina.
Si Valdez, kasama si PO2 Ulysses San Diego na kasalukuyang nagpapatrulya ay nagresponde sa paghingi ng tulong ng biktimang si Roselle Villamar noong Abril 8 matapos ma-snatch ang cellphone nito.
Dahil sa paghabol ni Valdez ay nasakote ang suspek na si Aries OvillaÂ, 20, at narekober ang tinaÂngay nitong cellphone sa biktima. Gayunman, pagdaÂting sa kanilang himpilan ay dumaing ng paninikip ng dibdib si PO1 Valdez matapos itong mapagod sa paghabol sa suspect na bagaman nagawa pang maisugod sa UERM Hospital ay idineklara ng dead-on-arrival.