Police asset nilikida

MANILA, Philippines -  Itinumba ang isang 45-anyos­ ­na vendor na pi­naghihinalaang asset ng mga pulis ng umano’y grupong nagtu­tulak ng iligal na droga  sa Quiapo, Maynila,  kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Jovito  S. Frias,   ng  Oscaris St., Quiapo.

Patuloy naman sa panga­ngalap ng testigo ang mga awtoridad para  matukoy ang pagkakakilanlan sa  mga suspect na hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga na armado ng kalibre .45 baril.

Dakong alas-7:00 kahapon ng umaga nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril sa panulukan ng Globo de Oro at Carlos Palanca Sr. Sts. sa Quiapo.

Nagdeliber ng produktong sabon sa lugar ang biktima at habang nakatayo ito sa tabi ng metal push cart na pinaglalagyan ng iba’t ibang produkto, biglang lumutang ang gunman at binaril ang nakatalikod na biktima, na tinamaan ng tatlong ulit sa likod nang tagusan.

Humandusay ang  biktima na iniwan ng suspect na nag­lakad lamang papalayo sa crime scene.

 

Show comments