MANILA, Philippines - Tuluyang binawian ng buhay ang isang 19-anyos na hinihinalang holdaper nang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad matapos itong masita kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.
Nasawi habang ginaÂgamot sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Saidami MakaÂbato ng C. Palanca St., Quiapo.
Pinagpapaliwanag naman sina SPO3 Deogracias de Ocampo Ebora; SPO1 Ricardo Rivera Jr.; PO3 Rene De Guzman at PO2 Eligio Valencia Jr., pawang nakatalaga sa MPD-Station 8 (Sta. Mesa), kaugnay sa pakikipagputukan sa biktima.
Sa report, dakong alas- 2:15 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Marayag St., Quiapo, Maynila.
Nauna rito, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga pulis sa nasabing lugar kaÂugnay sa mga ulat ng holdapan nang maispatan nila si Makabato na nakatigil at sakay ng motorsiklo na wala pang plaka (for registration).
Tinangka ng grupo ni Ebora na sitahin si Makabato suÂbalit agad silang pinapuÂtukan kaya gumanti ng putok ang mga pulis kung saan tinamaan si Makabato.
Narekober sa nasawi ang isang kalibre .45 pistola at mga bala.