Bakante sa Comelec giit punuan na

STA. CRUZ, Laguna, Philippines - Ipinamamadali ni Pa­ngulong Aquino ang pagsala sa mga kandidato para punan ang 2 bakanteng puwesto sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ng Pangulo sa ambush interview matapos iproklama ang Team PNoy candidates sa lalawigan kasama ang ilang senatorial candidates nito, hindi pa niya nakikita ang mga pangalan ng mga posibleng pumuno sa 2 bakanteng puwesto sa Comelec.

Magugunita na ang dalawang itinalaga na sina dating Lanao del Sur Rep. Macangkit Lanto at Atty. Bernadette Sardillo sa Comelec ay umatras.

Sila ang dapat papalit sa nagretirong sina Comelec Commissioners Rene Sarmiento at Armando Velasco.

 

Show comments