MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police ang misis ng mastermind sa multi-bilyong pyramid scam na si Jachob “Coco†Rasuman sa tinutuluyan nitong bahay sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Dinakip ng mga tauhan ng Pasay Police-Special Operations Unit sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Vicente Rosales ng Branch 23 ng 10th Judicial Region ng Cagayan de Oro City, si Princess Aliah Tomawis RaÂsuman, 32, sa kanyang tinutuluyang bahay sa Vista Real Executive Village sa Commonwealth Avenue dakong ala-1:30 ng madaling-araw.
Sinabi ni Senior Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police, na nakatanggap sila ng impormasyon sa lokasyon ng lugar na tinutuluyan ni Princess. Apat na buwan umanong isinailalim nila ang lugar sa paniniktik hanggang sa makumpirma ang presensya ng target at agad na ipinag-utos ang paghahain ng warrant.
Pagdating sa Pasay Police, agad na dinagsa ng mga nabiktima ng scam ang tanggapan ng pulisya na aabot na sa 40 katao.
Kabilang dito sina Abu Amar D. Sambitory, 38, tubong Marawi, na nataÂngayan umano ng P120 milÂyon at negosyante na si Big Jay Darampatin, 33, ng Greenland, Las Piñas City na nakuhaan naman umano ng P81 milyon na ipinuhunan niya sa scam.
Bukod dito, nagpasabi na rin umano ang isa pang negosyante na darating sa tanggapan ng pulisya upang idiin rin si Princess makaraang matangayan naman siya ng tumataginting na P1.1 bilyon.
Naghigpit naman ng seguridad ang Pasay Police sa headquarters dahil sa poÂsibleng sumiklab na kaguluhan sa pagdagsa ng mga naloko ng suspek na nakabantay ngayon upang makatiyak na hindi na ito makakatakas.
Ayon kay Llorca, maÂaaring ilipat si Princess sa Southern Police District headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig City kung saan mas makakatiyak sila sa seguridad at hindi makakaapekto sa iba pang sibilyan na nagtutungo sa Pasay City Hall.
Nahaharap sina Coco at Princess Rasuman kasama sina Bashir Rasuman Sr., Bashir Rasuman Jr., Sultan Jerry Tomawis, Jeremiah “Maning†Rasuman, at JeÂrome Rasuman sa mga kasong dalawang bilang ng “syndicated estafa†dahil sa panloloko sa kanilang mga biktima sa multi-milyong pyramiding scam. Nakaditine ngayon si Coco Rasuman sa National Bureau of InvestiÂgation detention cell makaraang madakip noong nakaraang Nobyembre.