MANILA, Philippines - Patay ang isang dalaga matapos tumungga ng lason sa pinapasukan nitong tindahan dahil sa problema sa pamilya sa MaÂlabon City kamaÂkalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa PaÂgamutan Lungsod ng Malabon si Aira Espenida, 19, tubong Camarines Sur at stay-in sa Uno Market sa Women’s Club St., Brgy. Hulong Duhat ng naturang lungsodÂ.
Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-6:00 ng gabi naganap ang insidente sa naÂsabing lugar makaraang magtungo sa banyo ang biktima at paglabas ay napansin ng amo na namumutla na ito hanggang sa mawalan ng malay na naging dahilan upang dalhin ito sa nabanggit na ospital.
Nabatid sa kasaÂmahan ng biktima na nagÂpabili ang nasawi ng silver cleaning solution sa isang Jason Valenzuela dahil maglilinis umano ng kanyang mga alahas na silver.
Nasabi rin ng isang kaanak ng biktima na may problema sa pamilya ang dalaga at gusto na aniya nitong mamatay. Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.