Tsinoy huli sa drug bust

MANILA, Philippines - Arestado ang isang Filipino-Chinese national matapos na makuhanan ng P180,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ni Senior Inspector Roberto Razon, hepe ng QCPD’s District Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (DAID-SOTG), ang suspect na si Johnson Sy, 42, tubong-Xiamen, China at nanunuluyan sa Greenhills, San Juan City.

Si Sy ay nadakip  sa ginawang buy-bust operation, ganap na alas-3 ng hapon sa may Petron Gas station na mata­tagpuan sa panulukan ng Aurora Boulevard at Broadway Avenue, New Manila sa lungsod.

Nasamsam ng awtoridad sa suspect ang dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at tumitimbang ng 48 grams.

Sinasabing sa tulong ng isang impormante, dagdag ni Razon, nagawa nilang makipagkita sa suspect sa gas station kung saan sa loob ng sasakyan ni Sy sila nagtransakyon.

Naniniwala ang opisyal na ang suspect ay kabilang sa miyembro ng ‘Binon drug group’.

Show comments