MANILA, Philippines - Isa na namang driver ang hinoldap na ay kinarnap pa ang pinapasadang taxi nito ng dalawang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Kinilala ang biktima na si Abulhan Yusop, 30, ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Nabatid na habang pinapasada ni Yusop ang kanyang Dragon Cab Taxi (UVB-365) sa Araneta Center, Cubao, Quezon City ay sumakay sa kanya ang dalawang suspect at nagpahatid sa Monumento, Caloocan City dakong alas 11:50 ng gabi.
Pagsapit nila ng kahabaan ng De Jesus St., Caloocan City ay biglang tinutukan ang biktima ng baril at patalim at nagdeklara ng holdap ang dalawang pasahero.
Tinangay ng mga suspect ang halagang P7,200 na kinita sa buong araw na pamamasada ng biktima at hindi pa naÂsiyahan ay tinangay pa ang taxi nito.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis sa naturang inÂsidente.