MANILA, Philippines - Isang collector ng mga pre-paid card ang hinoldap ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon sa Valenzuela City.
Sa pahayag sa tanggapan ng Valenzuela City Police ng biktimang si Michael Obias, 28, collection agent ng Migavs-Smart, ng Pacheco St., Brgy. Dalandanan ng naÂturang lungsod, dakong alas-10:20 ng umaga, dala niya ang motorsiklo at papunta sa isang kostumer sa Rosa St., Brgy. Gen. T. De Leon nang harangin at tutukan siya ng baril ng suspect.
Sa isang photo gallery ay nakilala ng biktima ang suspect na si Fernando Villar ng San Vicente St., Brgy. Karuhatan ng nabanggit na lungsod na kasalukuyan nang pinagÂhahanap ng pulisya.
Nabatid na kinuha ng suspect ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng P10,000 na nakolekta at sim card na nagkakahalaga ng P700.
Pinababa sa motorsiklo ang biktima at pinaÂtalikod kung saan nakarinig ng putok ang una na naging dahilan upang kumaripas ito ng takbo.Tuluyan namang nakatakas ang suspect.