Trader, 1 pa tinodas sa loob ng bahay

MANILA, Philippines - Patay ang isang  negosyante at isa pang lalaki nang pasukin ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa magkahiwalay na insidente sa  Maynila at Pasay City.

Sa kanyang mismong folding bed na tinutulugan namatay si Leonardo Duno, 47, ng  #1009 C. Planas St, Tondo, Maynila nang  pasukin at pagbabarilin  dakong alas-12:45 ng madaling-araw ng riding in tandem.

Matapos ang  pama­maril ay agad na tumakas ang gunman at sumakay sa  naghihintay na motorsiklo.

Nabatid na sa ibaba lamang ng bahay natutulog ang biktima at sa folding bed lamang umano ito nakahiga nang pasukin ng suspect.

Hindi naman tinukoy sa ulat kung ano ang negosyo ng biktima.

Batay sa pahayag ng pamangkin ng biktima na si  Fritz Exa­mien, nakarinig siya ng mga  putok at nang tingnan sa ibaba ang tiyuhin ay duguan itong walang buhay sa  folding bed.

Samantala, inaalam din ng pulisya ang motibo ng pagpatay kay Eduardo Gutierrez, 36, ng Block 8 Lot 15 Bo. Filipino, ng  Pasay City.

Bagama’t naisugod pa ito sa Pasay City General Hospital, namatay din ang biktima dahil na rin sa dami ng tama ng bala ng baril sa mukha.

Sa ulat ng Pasay Police, dakong ala-1 ng madaling araw nang umalingawngaw ang putok ng baril sa sala ng bahay ng biktima.

Agad namang nagi­sing ang ama ng biktima na natutulog sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo ang sala kung saan nadiskubre ang duguang bangkay ng anak.

Patuloy d in namang inaalam ang background ng biktima upang makabuo ng teorya sa motibo ng krimen.  Inaalam rin sa mga kaanak nito kung may kilalang kaaway ang biktima.

Show comments