Mister nakaaway ang misis, nagsaksak sa sarili

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­disyon ang isang mister matapos itong magsaksak sa sarili nang mag-away sila ng kanyang misis kahapon ng umaga sa Navotas City. Gina­gamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Gilbert Oracion, 33,  ng Dalag St.,  Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng naturang  lungsod.

Ayon sa Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawa sa naturang lugar.

Una nang narinig ang  pagtatalo ng biktima at misis nito sa hindi na nabatid na dahilan hanggang sa kumuha ng kut­silyo si Oracion at itinarak sa kanyang tiyan.

Agad namang nadala sa pagamutan ang mister.

 

Show comments