MANILA, Philippines - Muling bubuhayin at pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Oplan Metro Alalay†kung saan higit sa 1,800 tauhan ang ikakalat sa kalsada umpisa ngayong Biyernes.
Sinabi ng MMDA na nakipagkoordinasyon na sila sa Philippine National Police at mga lokal na pamaÂhalaan para sa pag-alalay sa mga biyahero na inaasahang mag-uumpisang magtungo sa kanilang probinsya at magbakasyon ngayong Biyernes.
Mabibigay-tulong ang mga bumubuo sa ‘Oplan Metro Alalay’ sa mga paliparan, bus terminals at pier na dadagsaan ng mga pasahero at sa mga kalsada na entry at exit points ng Metro Manila.
Nakatutok ang MMDA sa mga kilalang traffic choke points kabilang ang Balintawak, McArthur Highway, Ortigas Avenue Extension, Sumulong Highway, Marcos Highway, Roxas Boulevard, Alabang, Pasay, at Cubao.
Magtatalaga rin ng mga tauhan sa mga kalsada tungo sa mga “pilgrimage sites†tulad ng mga grotto sa Antipolo, Rizal at San Jose del Monte, Bulacan at mga kilalang simbahan sa Metro Manila.