MANILA, Philippines - Isang lalaking hinihinalang pinatay sa pamamagitan ng pagsakal ang natagpuang nakabulagta sa isang bangketa ng Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Ayon kay SPO1 Jaime Jimena, inilarawan ang biktima na may taas na 5’7’’, kalbo, nakasuot ng puting t-shirt, at dirty white cargo short pants.
Sinabi ni Jimena, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, partikular sa harap ng Aluminum warehouse na matatagpuan sa Block 167, Lot 17, Brgy. Greater Lagro, ganap na alas- 5:30 ng umaga.
Sabi ni Fernando Vicerra, palabas umano siya ng kanyang sari-sari store nang makita niya ang isang lalaki na nakahandusay sa nasabing bangketa.
Unang inakalang isa lamang itong lasing na nakatulog sa lugar, pero nang kanyang lapitan ay nakita niyang hindi na ito humihinga kung kaya agad siyang tumawag ng awtoridad.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) may nakitang marka ng pananakal sa kanyang leeg at sugat sa kanyang pulso na indikasyon na iginapos pa ito ng salarin, bago paslangin.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing inÂsidente.