Punerarya ipinadlak ng Manila DSW

MANILA, Philippines - Tuliyang ipinasara ng Manila Department of Social Welfare ang isang punerarya ma­tapos mabigong maipaliwanag kung bakit nakabuyangyang ang hubo’t-hubad na katawan ng da­lagang cum laude ng Pa­­mantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na patay sa holdap­, kama­kailan, sa Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na dakong alas-2:00 ng hapon kahapon nang ipadlak ang Universal Funeral Parlor sa Rizal Avenue, malapit sa panulukan ng Herrera St., sa Sta.Cruz, Maynila.

Nag-ugat sa pagsa­sara ng nasabing pune­rarya, matapos maghain ng reklamo ang isang Jessie Concepcion, ama ng biktimang si  Christine Dawn Concepcion, 20.

Bukod sa awa sa malupit na kamatayan sa kamay ng mga holdaper, lalo pang nahabag ang ama at ilang kaanak nang makitang walang saplot o kumot ang bangkay ng dalaga nang dalhin sa naturang  pune­rarya.

Show comments