2 binata nagbigti sa Maynila

MANILA, Philippines - Dalawang binata ang nagpatiwakal sa pa­mamagitan ng pagbi­bigti sa magkahiwalay na insidente sa Maynila, kamakalawa ng gabi.

Unang nadiskubre ang 22-anyos na biktimang si Rhamel Rojas, walang trabaho, nangu­ngupahan sa Eranan compound sa 31-D M. Dela Fuente St., Sampaloc, Maynila.

Dakong alas-6:30 ng hapon nang madatnang  patay ang biktima ng kanyang tiyuhin sa loob ng inuupahang bahay.

Wala namang nakitang kalat sa kabahayan kaya hinihinalang walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima. Wala umanong  alam ang mga kaanak nito na dahilan para magpaka­matay ito.

Samantala, ang ika­lawang biktima na 28-anyos na empleyado ng banko ay nadiskubreng wala nang buhay, naka­bigti sa isang plastik na kordon sa Bagong Barangay, West Zamora, Pandacan, Maynila dakong alas-8:30  kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ito na si Jeffrey Baldueza, clearing officer ng BDO Makati. Nadiskubre ng nakata­tandang kapatid na si Juliet Alerta na nakabitin sa kanilang kisame ang biktima.

Isang suicide note ang iniwan ng biktima pero hindi naman umano nito sinabi ang problema bagkus ay nagpapaalam lamang.

Isinantabi na rin ng pulisya ang anggulong foul play dahil walang in­dikasyon sa bangkay ng biktima na nanlaban o pinahirapan ito.

Show comments