MANILA, Philippines - Lumalabas ngayon na tuloy pa rin ang operasyon ng mga nalalabing miyembro ng “Boratong Drug Group†makaraang muling salakayin ng Eastern Police District (EPD) ang sikat na shabu tiangge sa Pasig City.
Kinumpirma mismo ni EPD Director, Chief Supt. Miguel Laurel ang pagbabalik operasÂyon ng mga tauhan umano ni Amin Imam Boratong makaraang salakayin ang shabu tiangge sa Mapayapa Compound, Brgy. Sto. Tomas, na halos nasa likod lang ng Pasig City Hall nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Laurel, isang impormante ang nagboluntaryong nagbigay ng impormasyon sa iligal na operasyon ng pamangkin ni Boratong na si Joey Mamon sa droga at posesyon ng malalakas na kalibre ng baril. Ipinakita pa ng impormante ang post sa Facebook ni Mamon na may hawak na AK-47 assault rifle.
Isang buwang trinabaho ng EPD Intelligence Unit ang impormasyon hanggang sa makumpirma ang pagbabalik sa operasyon ng Boratong Group.
Armado ng search warrant na inilabas ni Judge Marino dela Cruz, ng Manila Regional Trial Court Branch 22, sinalakay ng 124 pulis ang compound nitong nakaraang Linggo ng hapon.
Namonitor naman umano agad ng sindikato ang pagÂdating ng mga pulis sa nakaÂkabit na “closed circuit teleÂvision camera (CCTV)†sa bukana ng compound kaya nagawang makatakas ng kanilang mga target na sina Mamon, Acsamen Boratong, alyas Mac-mac, at Aleman Boratong, alyas Boy Negro.
Narekober sa bahay nina Boratong at Boy Negro ang isang AK-47 rifle, isang .9mm pistol, isang kalibre .45 pistol, iba’t ibang bala, ilang pakete ng shabu na nasa loob ng mga motorsiklo na idideliber na umano sa mga buyers, mga paraphernalias, dalawang handheld radyo, isang smoke bomb, isang binocular, mga pampasabog at apat na cellular phones.
Ang grupo umano ang nagsusuplay ng shabu hindi lang sa Pasig ngunit sa mga karatig-lungsod at bayan sa Rizal. Iniimbestigahan din ang ulat na ang grupo ang nasa likod sa pamamaslang sa ilang katao sa lungsod na mga karibal nila sa operasyon ng iligal na droga.
Ipinag-utos na ni Laurel ang manhunt sa mga pamangkin ni Boratong at kay Mamon. Isang imbestigasyon na rin ang iniutos nito ukol sa ulat na naglalabas ng P50,000 lingguhang protection money ang mga Boratong sa mga kontak sa pulisya.
Matatandaan na unang nakilala ang shabu tiangge noong 2006 sa ginawang pagsalakay ng PNP kung saan higit sa 100 katao ang nadakip at nasa 300 gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga barong-barong na ginagawang drug den ng mga adik.