MANILA, Philippines - Isang 5-anyos na batang babae ang dinukot ng hindi pa kilalang lalaki habang abala ang ina nito sa pakikipag-party sa kanilang lugar, sa Sampaloc, Maynila, kamaÂkalawa ng gabi.
Masusi namang iniimbestigahan ang insidente para sa ikakasang follow-up operation ang mga residente ng lugar kaugnay sa hitsura ng suspect na isa umanong lalaki na nakitang kausap ng biktimang si “Joannaâ€. Ang biktima ay nakasuot ng sleeveles na violet, pink na leggings at berde ang tsinelas, bago ito mawala.
Batay sa closed circuit television (CCTV) footage ng barangay hall, ang biktima ay nakitang pinainom ng juice ng isang lalaki.
Sa reklamo ni Vanessa Lameranes, 30, ng Blumentritt Ext. Sampaloc, Maynila kay SPO1 James Poso ng Manila Police District-General Assignment Section, kasama niya sa idinaos na Aerobic party ang anak, na ginanap sa kanilang lugar, sakop ng Barangay 536, Zone 53, nang maging abala siya at hindi napansin kaagad na nawawala ang anak, dakong alas-8:00 ng gabi.