MANILA, Philippines - Isang pulis at kapaÂtid nito ang inireklamo ng 36-anyos na lalaki maÂtapos na gawing punching bag ang kanyang mukha nang dumaan sa pinaglalaruang basketball court ng magkapatid sa Tondo, Maynila noong Biyernes ng gabi.
Kahapon ay personal na nagreklamo sa Manila Police District General Assignment Section ang biktimang si Christopher David, 36, ng Favia St. Tondo, Maynila laban kina PO2 Jeffrey Laus, 32, ng MPD-PS1, at kaÂpatid na si Jayco.
Sabog ang ilong at namamaga ang mukha ng biktima matapos na gawing punching bag ng magkapatid na Laus dakong alas-6:30 ng gabi.
Nabatid na naglalaro ang magkapatid na suspect nang dumaan si David na huminto muna upang hindi magambala ang paglalaro ng pulis at kapatid nito.
Isang hindi tinukoy na lalaki ang umano ay nagpa-go sa biktima kaya pinaandar niya ang kanyang motorsiklo lulan ang 6-taong gulang na anak.
Nang nasa gitna na umano ng kalsadang court si Laus, sinabihan umano siya ng “para kang di taga-Favia†at sinagot naman niya na “huminto naman ako ahâ€.
Tinangka umano ng biktima na kausapin ang pulis at pagbaba niya sa motorsiklo ay kaagad siyang sinapak at pinagtulungan ng magkapatid.
“Akala siguro niya e aawayin ko siya, kaya inunahan ako, paano ko gagawin ’yun e kaÂangkas ko sa likod yong 6 taong gulang kong anak na babae. Marami na ang galit diyan pati mga bata sa amin binabatukan niya, pulis pa naman siya tapos ganon ang ugali niyaâ€, ayon sa biktima.
Nakatakdang magÂharap ang biktima at ang magkapatid na Laus sa tanggapan ng MPD-GAS upang matukoy ng pulisya ang pananagutan ng bawat isa.