MANILA, Philippines - Dalawa ang nasugatan habang 20 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang isang sunog sa Malabon City kahapon ng umaga.
Nakilala ang mga sugatan na sina Julito Bernales, 43 at Flordeliza Fuentes, 33, ng Brgy. Catmon ng nasabing lungsod matapos tamaan ang mga ito sa mukha ng mga nagliliparang mga balde at timba mula sa mga residente na tumutulong maapula ang apoy.
Ayon sa Malabon City Fire Department, nagsimula ang sunog dakong alas-7:35 ng umaga mula sa bahay ng isang Josephine Ramos na mabilis dahil pawang gawa lamang sa light materials ang mga bahay sa lugar.
Dakong alas-8:00 ng umaga nang ideklarang fire-out ang sunog na umabot sa second alarm. Inaalam na kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy at ano ang pinagmulan nito.