MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatangol sa kanyang tatay, isang binata ang sinaksak ng kanyang pinsan kahapon ng maÂdaÂling-araw sa Caloocan City.
Nasa kritikal na kondisÂyon at inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa leeg ang biktimang si Franklin Felices, 28, ng ManÂÂsanas St., Bagong Barrio ng naturang lungsod.
Nakakulong naman sa Caloocan City Police ang suspect na si Ernesto Fernandez, 32, ng nasaÂbing lugar.
Ayon sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, naÂganap ang insidente dakong alas-2:35 ng madaÂling-araw sa Mascardo St., Bagong Barrio ng naturang siyudad.
Nabatid na nagsuntukan ang tatay ng biktima na si Ernesto at ang suspect. Dito ay pinagtanggol ng biktima ang ama na ikinagalit naman ng suspect na pinsan at siya ang inundayan ng saksak sa katawan.
Dali-daling isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital at ang suspect naman ay nadakip ng mga awtoridad.