MANILA, Philippines - Pabor si Manila Mayor Alfredo Lim sa panukala ni Commission on Human Rights (CGR) chair Etta Rosales na paglalagay ng human rights desk sa mga ospital, barangay at police station.
Ayon kay Lim, naniniÂwala siyang dapat na kilalanin ng bawat mamamayan ang karapatang pantao ng bawat mamamayan.
Dahil dito, inatasan ni Lim ang kanyang mga opisÂyal na ayusin ang mga detalye hinggil sa paglalagay ng human rights desks gayundin ang Women and Children Protection Unit sa bawat barangay, ospital at police stations at hindi na kailangan pang dumaan sa isang ordinansa.
Kasabay nito, pinuri ni Rosales ang pagkilala ni Lim sa karapatan ng Manilenyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga ospital at barangay health centers.
Ginawa ni Rosales ang pagkilala sa nagawa ni Lim nang bumisita ito sa Manila City Hall upang ilahad sa alkalde ang Gender and Development Assistance Program na naglalayong itatag ang Women’s and Child Protection Units sa lahat ng mga ospital na tututok sa mga biktima ng pang-aabuso tulad ng panggaÂgahasa at pambubugbog.
Bagama’t isinasagawa na ng social welfare departÂment ng City Hall sa pamaÂmagitan ni Jay dela Fuente ang mga aksiyon sa mga biktima, malugod pa ring tinanggap ni Lim ang mga panukala ni Rosales kung saan inatasan nito si chief of staff at media bureau director Ric de Guzman na makipag-ugnayan sa mga tauhan ni Rosales upang mas mapalakas ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan partikular sa mga mahihirap at bata.
“Ang kalusugan ay napakahalagang usapin saÂpagkat ang isang tungkulin ng human rights office ay paÂngalagaan ang karapatang pangkalusugan upang tayo ay mabuhay ng mapayapa at malaya. Ano pa ang kahalagahan ng ating pagkatao kung wala tayong kalusugan?†ani Rosales.