MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa isang milyong pisong halaga ng marijuana na nakatakdang ipuslit sa abroad ang na-intercept ng mga ikinalat na police bus marshals ng Quezon City police kahapon.
Ayon kay QCPD director Senior Supt. RiÂchard Albano, may 40 bricks ng compacted mariÂjuana ang nasabat kay Cyrus Marngo, 31, ng Kalinga Province sa isang bus terÂminal sa Cubao.
Nabatid na aabot sa 4.5 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng isang milyong piso ang nasamsam sa suspect.
Nabatid pa na ang kontrabando ay nakatakdang ibiyahe sa Bohol at mula doon ay ilalabas ng bansa para sa mga prosÂpective buyers sa Australia at New Zealand.
Si Marngo ay inaÂresto dakong alas-11 ng umaga habang paÂsampa sa bus paÂtungong ViÂsayas.
Bago ito, napansin umano ng mga nakaÂkalat na police bus marshals ang kahina-hinalang kilos ni MarÂngo habang may dalang bag kung kaya agad na umalerto ang mga ito at nang inspekÂsiyunin ang suspect ay doon tumambad sa mga pulis ang kontrabando.
Samantala, nabuÂking ang modus ng apat na mandurukot dahil sa paÂgiÂging alerto ng isang estudyante na kanilang biniktima maÂtapos nitong mahalata nang kunin ang kanyang cellphone mula sa kanyang backpack na hiniwa ng isa sa mga suspect habang sakay ng pampasaherong bus sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang apat na suspek na sina Joseph MaÂtira, 39; Ronald Sazan, 39; at kapatid na si JeÂrome, 25; at Joel Tanyes, 28, na pansamantalang ikinulong sa Cubao Police Station 7.
Aminado naman ang mga suspek sa kanilang ginawa matapos silang positibong itinuro ng kanilang biniktima na si Marcelo Garol, 21, na college student.
Batay sa testimonya ni Garol, sakay siya noon ng isang Elena Bus Transit papasok sa eskuwela nang paikutan umano siya ng apat na suspek kung saan nakaramdam na siya ng panganib.
Aniya, kabi-kabilaan umano siyang dinudunggol ng mga suspek habang ang isa sa mga suspek ay naramdaman niyang hiniwa ang zipper ng kanyang back pack bago kinuha ang cellphone sa loob nito.
Hinayaan umano niya ang mga suspek at pagtapat umano nila sa harap ng Cubao Farmers Plaza dakong alas-4:50 ng madaling-araw ay dito niya tinawag ang pansin ng mga nakatalagang police marshals malapit sa himpilan ng pulisya doon na agad namang hinaÂrangan ang pinto ng bus na ikinaÂdakip ng mga suspek.