MANILA, Philippines - Isa ang patay, habang lima pa ang nasugatan, maÂkaraang tumagilid ang sinaÂsakyan nilang jeepney maÂtapos humampas sa daÂlawang kotse habang tinaÂtahak ang kahabaan ng E. Rodriguez Sr., lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Delos Santos Medical Center ang biktimang si Gerald Alvin Faypon, 29, bunga ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.
Sugatan naman ang kapÂwa pasahero nitong sina RoÂviedhel Arceta, 20; RhoÂdora Jacinto, 45; Rolando Javier Jr., 28; Visitacion LargoÂ, 31; at Rizalina MonteÂmayor, 32.
Nasa kustodiya naman ng QCPD traffic sector 4 ang driver ng jeepney na si Romeo Igpit, 42, na nahaÂharap ngayon sa kasong reckÂless imprudence reÂsulting in damage to proÂperty with homicide at multiple physical injuries.
Kabilang sa mga sasakÂyang nabundol ng jeepney ni Igpit ang isang Mitsubishi Adventure (WPV-593) na minaÂmaneho ni Aaron Lawrence Chua Chong, 24; at Toyota Vios taxi (TYX-710) na minamaneho ni Jupiter Sevilla, 56.
Nangyari ang insidente sa may E. Rodriguez Sr. AveÂnue sa pagitan ng Betty-Go Belmonte St. at Ilang-ilang St., ganap na alas-7:30 ng gabi.
Diumano, tinatahak ng PUJ ang lugar galing sa diÂreksyon ng Judge Jimenez St., patungong Tomas Morato Avenue nang tumbukin nito ang kaliwang bahagi ng Mitsubishi Aventure ni Chong na tinatahak ang kabilang direksyon ng nasabing kalye.
Dahil sa lakas ng pagkaÂkabangga, napuwersang kumanan ang PUJ saka muÂling sumalpok sa Toyota Vios na bumibiyahe rin sa gilid ng una.
Sa kasamaang-palad, tumumÂba patagilid ang PUJ dahilan para maipit ang kaÂtawan ni Faypon sa bangketa ng nasabing kalye at ikinaÂsugat naman ng iba pang biktima.