MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 43-ayos na taxi driver nang mabuko ng mga awtoridad na pawang kasinungalingan ang mga ibinigay na impormasyon sa kanyang reklamong nakarnap ang minamanehong taxi sa Sta. Mesa, Maynila.
Ayon kay Senior Inspector Rizalino Ibay, hepe ng Anti-Carnapping (ANCAR), ikinulong nila ang suspect na si Renato Brinquez, ng Cupang, Antipolo City matapos matunton ang sinasabing nakarnap na taxi (UVR 974) na ang operator ay isang Alma Mirano.
Nabatid na nagreklamo ang driver/suspect kahapon, dakong alas-2:00 ng madaling-araw dahil sa pagtangay sa kanyang taxi ng dalawang lalaki, dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa.
Base sa kuwento ng driver na suspect, sumakay umano ang dalawang lalaki sa bahagi ng Sta. Mesa subalit pagdating sa kanto ng Domingo Santiago at G. Tuazon Sts. ay nagÂdeklara ang mga ito ng holdap. Pinaupo umano siya sa likuran habang katabi ang isa sa suspect na may nakatutok sa kanyang baril at isa ang nagmaneho.
Nakatalon lamang umano siya kaya nakaÂtakas, resulta umano ang kanyang sugat sa tuhod. Subalit sa isinagawang follow-up operation, natunton ang taxi at nadiskubreng ipinarada nito sa Blumentritt, panulukan ng G. Tuazon Sts. alas-8:30 pa lamang ng gabi, 30 minuto bago ang sinasabing pagtangay.
Maliban pa rito, ang resulta ng medical examination sa sinasabi nitong sugat sa tuhod ay luma at hindi tugma sa sinabing nasugatan dahil sa pagtalon sa taxi.
Kasong perjury ang isinampang kaso laban kay Brinquez habang qualified theft naman ang isinampa ng kanyang operator.