MANILA, Philippines - Upang higit na mapalawak at mapahusay ang pagkakaloob ng pangunahing serbisyo sa mga taga-Quezon City, mahigit sa P1 bilyong infrastructure projects ang laan ng Quezon City Engineering Department (QCED) ngayong 2013.
Sa kabuuang halaga, sinabi ni Engr. Joselito Cabungcal, hepe ng QCED na may 93 vertical structures ang ginastusan ng tanggapan na may halagang P700 milyon para sa repair/rehabilitation at improvement ng day care cenÂters, health centers, barangay halls, multi-purpose halls, mga paaralan at iba pang-istraktura.
Bukod pa anya ito sa P5-milyon halaga ng horizontal projects na ipatutupad ngayong taon kabilang ang 24 na proyekto na nakapaloob sa flood control category habang ang 62 proyekto ay para sa road improvement, drainage improvement, clearing at paglilinis ng mga waterways bracketÂ.
Sinabi ni Cabungcal na sa kasalukuyan, ang QCED ay may nakumpleto nang mga proyekto tulad ng pagtatayo ng ibat ibang mga istraktura sa ibat ibang barangay sa QC na umaakma sa safety in government standards.