MANILA, Philippines - Inaasahan ng Emperador Distillers Inc., wholly-owned subsidiary ng Alliance Globel Group Inc., na madodoble ang kanilang sales volume sa loob ng limang taon. Ang Emperador ay ang kasalukuyang world’s largest-selling brandy brand sa buong mundo na may sales volume na 31 million cases sa 2012.
Ayon kay Jorge Domecq, bagong hirang na Managing Director ng Emperador International Ltd., na malaki ang kanilang paniwala at inaasahan nilang makukuha ang 33 porsiyento sa world’s brandy market sa loob ng limang taon. Sa panahon umanong iyon, sa tatlong bote ng brandy na ibinebenta sa buong mundo, isa rito ang bote ng Emperador.
Minamadali rin nila ang international expansion at inaÂasahang maibebenta ang Emperador sa mas maraming bansa.
“We also expect Emperador to be bottled in different parts of the world. Spain will eventually account for 25 percent of our Emperador production. We will continue to build Emperador as a strong global brand,†dagdag ni Domecq.