Katiwala dinedo sa panaderya

MANILA, Philippines - Napaslang ang 30-anyos na katiwala sa panaderya matapos saksakin at gilitan ng kanyang kasamang panadero sa Commonwealth Village, Diliman, Quezon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Danilo del Valle habang tinutugis naman ang suspek sa alyas na Jun Vista. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa suspek sa loob ng Fresco Bakery sa nabanggit na lugar. Isa sa mga testigo na si Jessica Medina na namataan niya ang suspek na nag-iimpake ng damit bago pa matagpuang patay ang biktima.

Show comments