Peacemaker sa Tondo, nilikida

MANILA, Philippines - Napatay ang 26-anyos na binata na sinasabing peacemaker matapos itong barilin sa ulo ng di-kilalang lalaki sa madilim na bahagi ng MICT Road sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Leonardo Lariza ng # 101 Gate 4, Parola Compound, Tondo, Maynila. Namatay bunga ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ni PO3 Cris  Ocampo ng Manila Police District -Homicide Section, papauwi na ang biktima nang lapitan at ratratin ng di-kilalang lalaki pagsapit sa Gate 4 sa Parola Compd., Tondo, Manila habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

 

Show comments